Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkawala ng passenger plane lulan ang 22 katao sa Nepal.
Ayon sa operating airline at officials, hirap daw ang mga otoridad sa isinasagawa ng mga itong search operation dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.
Ang Twin Otter aircraft na ino-operate ng Tara Air ay nag-take off sa western town ng Pokhara at patungong Jomsom.
Nawalan umano ng contact ang eroplano sa air traffic control matapos ang 15 minuto.
“We are trying to locate the possible area where the aircraft might be,” ayon kay Sudarshan Bartaula, spokesman ng Tara Air.
Sinabi ni Bartaula na mayroong 19 na pasahero at tatlong crew members ang eroplano.
Kabilang sa mga pasahero ang dalawang Germans at apat na Indians at ang natitira ay mga Nepali.
Ang Jomsom ay sikat na trekking destination sa Himalayas na mayroong 20 minutong biyahe sa pamamagitan ng eroplano sa Pokhara.
Mayroon itong layo na 200 kilometers (120 miles) west ng capital na Kathmandu.
Sinabi naman ni Phanindra Mani Pokharel, spokesman sa Ministry of Home Affairs na dalawang helicopter na ang na-deploy para sa search operation.