-- Advertisements --
Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Neneng at napanatili pa rin nito ang kaniyang lakas.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa may 335 kilometer ng Northwest ng Calayan Cagayan o 375 km ng timog ng Basco, Batanes.
May taglay itong lakas na hangin na 120 kph at pagbugso ng hanggang 150 kph.
Tinanggal na rin ang lahat ng mga tropical cyclone wind signal sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Magdudulot ng malakas na hangin at pagbugso pa rin ito ng ulan sa bahagi ng western portion ng Visayas at Mimaropa.
Patuloy din ang pagbabala ng PAGASA sa mga mangingisda na huwag munang pumalaot dahil sa nagdudulot pa rin ng malaking alon ang nasabing bagyo.