-- Advertisements --

Handang-handa na si Gilas Pilipinas forward Carl Tamayo para sa nalalapit na FIBA Asia Cup 2025, dala ang karanasan at tagumpay mula sa kanyang international stints.

Sa loob ng tatlong taon, dalawang professional league titles na ang naiuwi ni Tamayo —isa sa Japan B.League at kamakailan lang sa Korean Basketball League (KBL) kasama ang Changwon LG Sakers. Siya rin ang kauna-unahang Pilipinong nagkampeon sa parehong liga.

Ayon kay Tamayo, malaking tulong ang kanyang international experience sa pagharap sa mas matatanda at beteranong manlalaro. “At first it wasn’t easy… but I adjusted,” ani Tamayo.

Mapapanood muli ng mga Pinoy fans si Tamayo sa Araneta Coliseum sa Lunes, sa send-off game ng Gilas kontra Macau Black Bears, bago tumulak ang koponan patungong Saudi Arabia para sa Asia Cup na gaganapin sa loob ng dalawang linggo.

“Miss ko na itong [Big Dome],” ani Tamayo. “Naalala ko pa ‘yung unang laro ko rito, at masaya akong makabalik.”