-- Advertisements --
Nadagdagan pa ang mga munisipalidad at mga siyudad na isinailalim sa state of calamity ayon yan sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
Batay sa pinakahuling datos ng NDRRMC, pumalo na sa 84 na mga lugar ang nagdeklara ng state of calamity.
Mula sa bilang na ito 42 ang mula sa Central Luzon, 27 ang mul sa CALABARZON, anim ang nagdeklara mula sa Ilocos Region, lima ang naitala sa National Capital Region (NCR), tatlo sa Western Visayas habang isa naman ang mula sa MIMAROPA.
Samantala, sa ilalim nito, magkakaroon na ng access ang mga lokal na pamahalaan sa kanilanh calamity funds bilang tulong sa mga apektadong residente sa kanilang lugar bunsod ng bayo at ng habagat.