-- Advertisements --
Marcos

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng nag-viral noon sa social media dahil sa pamamahagi ng bigas sa gitna ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sinabi ni NBI Cybercrime Division Chief Atty. Victor Lorenzo, nag-ugat ang pag-aresto sa suspek na si Francis Leo Marcos dahil sa reklamo ng Optometrist Association of the Philippines sa Baguio City.

Maliban sa naturang kaso, mayroon din umano siyang ibang nakabinbing kaso si Marcos gaya ng human trafficking at violence against women.

Si Francis Leo Marcos o Norman Mangusin sa tunay na buhay ang nasa likod ng tinatawag niyang “Mayaman Challenge.”

Sa naturang challenge, hinahamon nito ang mga mayayaman na maglabas ng kanilang sariling pera para makatulong sa mga mas nangangailangan.

Unang hinamon ni Marcos ang kanyang mga kapitbahay sa isang subdivision ng mga mayayaman na tularan ang kanyang pamamahagi ng tulong ngayon mayroong epidemya ang bansa.

Ibinibida ni Marcos sa kanyang mga post sa social media ang kanyang ari-arian sa iba’t ibang lugar sa bansa.