CENTRAL MINDANAO- Patay on the spot ang isang negosyante sa pananambang sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Efren Saydoquis,51 anyos,may asawa, buy and sale trader at residente ng Sitio Bolo Brgy Pandan South Upi Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na habang sakay ang biktima sa kanyang minamanehong multicab galing sa kanyang sakahan at papauwi na ng kanyang tahanan ng itoy tambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang M16 Armalite rifles.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng South Upi.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang biktima sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan kaya agad itong binawian ng buhay.

Alitan sa lupa ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pananambang patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.