NAGA CITY – Patay ang isang negosyante matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Dalahican Road Prk. 3A, Barangay Dalahican, Lucena City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na nagsagawa ng drug buy bust operation ang kapulisan katuwang ang PDEA laban sa negosyanteng si Fidel Masilang Galvez, 43.

Matapos ang transaksyon sa loob ng isang welding, sinubukan nang arestuhin ang suspek ngunit bigla nitong binunot ang kanyang .45 homemade paltik at nagpaputok ngunit naunahan ito ng operatng team.

Tinamaan sa katawan ang suspek na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Nabatid na sangkot si Galvez sa illegal drug trade sa likod ng mga financially funds drug pushers sa lugod.