-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Roy Monreal,47 anyos,may asawa at residente ng Barangay Libertad Makilala Cotabato.

Ayon sa ulat ng Makilala PNP habang binababa ng biktima ang mga karga nitong mga sako ng bigas sa harap ng kaniyang sari-sari store sa Purok Santan , Brgy Saguing , Makilala, Cotabato ng bigla itong lapitan ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang salarin na sumakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Libertad sa bayan ng Makilala.

Patay on the spot ang negosyante nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang kanang panga na tumagos sa ulo.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Makilala PNP sa pamamaril patay sa biktima.