CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril at pinasabugan pa ng granada ang kanyang tahanan alas 9:00 nitong gabi ng linggo sa Kidapawan City.

Nakilala ang biktima nasi Mark Romerde at residente ng Barangay Singao Kidapawan City.

Ayon sa ulat ng pulisya na nakatayo lang umano ang biktima sa harap ng kanyang bahay ng itoy pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola at pinasabugan pa ng granada ang kanyang tirahan.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na umabot ng buhay habang ligtas naman ang kanyang pamilya.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP sa naturang pangyayari.