-- Advertisements --
Patay ang may-ari ng videoke bar sa Sta. Ana, Manila matapos na ito ay pagbabarilin.
Nasa loob ng kaniyang restobar ang 45-anyos na biktimang si Maricel Padpad ng ito ay nilapitan ng hindi kilalang suspek.
Nagtamo ng apat na tama ng bala sa kaniyang katawan ang biktima na sanhi ng kaniyang agarang kamatayan.
Mabilis na ring hinahanap ng mga kapulisan ang responsableng suspek.