QCPD 1

Nakakulong na ngayon sa Quezon City Police District (QCPD) Station 10 ang isang negosyante na nahulihan ng iligal na droga sa loob ng isang bag.


Nakuha sa bag ng negosyante ang hinihinalaang shabu at marijuana.


Ayon sa pulisya, naiwan ng suspek ang kanyang bag sa coffee shop kayat binuksan ito ng mga staff para makita kung sino ang may-ari ng bag.

Pero laking gulat ng mga staff na may mga hinihinalang droga sa loob ng bag.

Nahuli ang suspek na negosyante ng bumalik ito sa coffee shop para hanapin ang kaniyang bag subalit dito na siya hinuli ng guwardiya na tumawag ng pulis.

Pero ayon sa negosyante, na set up siya dahil kinuha ng staff ang kaniyang bag at nilagyan ito ng droga.

Sasampahan ng kaso ng PNP ang negosyanteng suspek.