Sinibak na sa kanyang pwesto si Quezon City Police District director Police Brigadier General Melecio Buslig Jr.
Ito ay batay na rin sa naging kumpirmasyon ng Quezon City Police District Public Information Office.
Ayon sa QCPD, natanggap nila ang isang letter na may petsang Abril 21 na pirmado ni National Capital Region Police Office Regional Director Police Major General Anthony Aberin hinggil sa naturang usapin.
Kaugnay nito ay pansamantala namang hahalili si Police Colonel Randy Glenn Silvio, deputy director for administration bilang OIC sa nabakanteng posisyon.
Sa ngayon, wala pang malinaw na dahilan kung bakit na sibak sa pwesto si Buslig.
Tiniyak naman ng QCPD na magpapatuloy ang kanilang trabaho para sa kaligtasan ng publiko sa kabila ng pagpapalit sa kanilang liderato