-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni PCapt. Joseph Tayaban, hepe ng PNP-Badoc na isang lalaki ang nahuli sa border checkpoint sa bayan ng Badoc dahil sa paggamit ng pekeng RT-PCR result.

Ayon kay Tayaban, ang nasabing suspek ay isang negosyante na residente ng Brgy. 5 iti ili ti Vintar.

Aniya, papasaok na ulit sa probinsya ang negosyante matapos magdeliver ng sibuyas sa probinsya ng Ilocos Sur ng mapansin ng mga otoridad sa border checkpoint na ang kanyang ipinakitang RT-PCR Test result ay peke.

Sinabi ni Tayaban na agad na naireport sa kanya ito at agad-agad niyang tinawagan ang Karmeli Hospital na siyang nakapangalan na pinagmulan ng nasabing result.

Dahil dito, nakumpirma ni Tayaban mula sa nasabing ospital na peke ang RT-PCR result dahil nasa long bond paper ito at walang dry seal.

Kaugnay nito, ipinaalam ng hepe na base sa palaiwanag ng negosyante ay sa kaibigan nita nakuha ang resulta ngunit hindi ito dumaan ng test at nagbayad nalang ng P1,000 p.

Dahil dito, inihanhanda na ang kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code o ang Falsification by private Individual and Use of Falsified Document at RA 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public health Concern Act kontra sa negosyante.