Walang nakikitang epekto ang National Economic Development Authority (NEDA) sa bansa ang nangyayaring kaguluhan ngayon sa bansang Israel laban sa Hamas militants.
Ayon kay NEDA Director General Arsenio Balisacan na wala silang nakikitang rason upang maramdaman ang epekto ng conflict sa bansa partikular na sa ekonomiya.
Sinabi ni Balisacan, wala naman aniyang gaanong exposure ang bansa sa Israel at Palestine kung pag- uusapan ay trade and investment
Inihayag ni Balisacan na kanilang napag-usapan kanina sa NEDA Board meeting kasama ang Pangulo hinggil sa posibleng epekto.
Binigyang-diin ng Kalihim na kung mag escalate ang kaguluhan sa mga bansang mayrung trade and investment deal ang Pilipinas ay baka duon magkaruon ng impact, partikular ang mga bansang inaangkatan ng langis.