-- Advertisements --

Inalerto na ng National Electrification Administrastion (NEA) ang mga electric cooperative (EC) para banatayan ang epekto ng bagyong Mirasol sa power sector.

Inatasan ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD) ang bawat EC na inaasahang maaapektuhan sa pagdaan ng bagyong Mirasol na agarang magpatupad ng contingency measure upang mapagaan ang epekto ng bagyo sa power facilities.

Kabilang dito ang pag-activate sa mga Emergency Response Organization (ERO) kung kinakailangan, upang makapagsagawa ng akmang emergency response plans anumang oras.

Pinapatiyak din ng NEA na may sapat na buffer stock o electrical supplies na maaaring magamit para sa agarang power restoration, oras na bumuti na ang sitwasyon sa mga lugar na dinadaanan ng naturang bagyo.

Pinayuhan din ng NEA ang mga electric cooperative na agad ibalik ang power supply sa mga lugar na dating pinutulan dahil sa safety reasons, kapag ligtas na muli ang pagbabalik ng supply ng kuryente.

Pinapasumite rin ng regular power situation report ang bawat EC kung saan nakapaloob ang ulat ukol sa partial at complete electric service restoration, atbpang mahahalagang impormasyon ukol sa power situation.