Naka-red alert na ang pamunuan ng National Disasster Risk Reduction Management (NDRRMC) dahil sa Bagyong Urduja.

Ibig sabihin nito ay 24 na oras ang buong puwersa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno para tulungan ang mga residenteng maaapektuhan ng bagyo.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, wala pang ipinatutupad na forced evacuation sa mga lugar na hinahagupit ng bagyo.

Pero may mga pamilya na anyang inilikas na sa probinsya ng Samar dahil sa pagbaha.

Nakahanda na rin aniya ang mga food pack na ipapamahagi ng DSWD para sa mga apektado ng bagyo sa Samar.

Batay sa datos ng Philippine Coast Guard, nasa 8,000  na ang mga pasaherong na-stranded sa iba’t-ibang pantalan sa bansa.