-- Advertisements --

Nagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng dalawang katao ang nasawi at dalawang nawawala dahil sa pananalasa ng bagyong Ramil.

Ayon sa NDRRMC na mayroong kabuuang 26,878 na mga indibidwal ang pinalikas dahil sa bagyo.

Ang mga ito ay mula sa mga lugar ng Eastern Visayas, Bicol Region, Cagayan Valley at Calabarzon.

Aabot sa kabuuang 20,041 na indibidwal ang naapektuhan ng nasabing sama ng panaho kung saan 5,909 ang inilagay sa 102 evacuation centers.

Mayroong kabuuang P274,026 na halaga ng tulong ang naipamahagi ng gobyerno sa mga apektadong pamilya.

Naitala rin ang 13 na lugar sa MIMAROPA at Eastern Visayas ang binaha dahil sa bagyo.

Patuloy pa rin ang ginagawang assessment ng NDRRMC sa kabuuang damyos sa agrikultura at sa imprastraktura dahil sa bagyong Ramil.