Nagpulong ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado ng hapon upang talakayin ang pinakahuling update sa sitwasyon at tugon ng mga ahensya kaugnay sa Bagyong “Nando” at sa epekto ng Habagat. Ang pagpupulong ay pinangunahan ni NDRRMC Chairperson at Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Gilberto Teodoro Jr., at isinagawa sa Punong Tanggapan ng Office of Civil Defense (OCD) sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Mula pa noong Biyernes, Setyembre 19, 2025, ay nasa Red Alert Status na ang NDRRM Operations Center (NDRRMOC) upang tiyakin ang mas pinaigting na monitoring at koordinasyon sa gitna ng banta ng Bagyong “Nando.”
Ang Red Alert ay ang pinakamataas na antas ng alerto, kung saan naka-deploy ang mga tauhan ng iba’t ibang ahensya para sa agarang inter-agency coordination sa panahon ng emergency.
Mga Activated na Response Cluster at kanilang Lead Agencies:
1) Logistics – Office of Civil Defense (OCD)
Food and Non-Food Items – Department of Social Welfare and Development (DSWD)
2) Search, Rescue, and Retrieval – Armed Forces of the Philippines (AFP)
3) Health – Department of Health (DOH)
4) Law and Order – Philippine National Police (PNP)
5) Camp Coordination and Camp Management – DSWD
6) Protection ng Internally Displaced Persons – DSWD
7) Crisis Communications – Presidential Communications Office – Philippine Information Agency (PCO–PIA)
8) Edukasyon – Department of Education (DepEd)
Emergency Telecommunications – Department of Information and Communications Technology (DICT)
9) Debris Clearing and Civil Works – Department of Public Works and Highways (DPWH)
Mga Cluster na Naka-Standby:
-Philippine International Humanitarian Assistance – Department of Foreign Affairs (DFA)
- Pamamahala sa mga Namatay at Nawawala – Department of the Interior and Local Government (DILG)
- Early Recovery – OCD
- Shelter – Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD)
Nananawagan ang NDRRMC sa publiko na manatiling alerto, sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo, at sumunod sa mga babala at gabay mula sa mga awtoridad.
Biningyang-diin ni Secretary Teodoro ang kahalagahan ng proactive na hakbang upang maprotektahan ang buhay at maiwasan ang malawakang pinsala.
Tiniyak ng NDRRMC sa publiko na nakahanda ang mga miyembrong ahensya nito na tumugon sa anumang emergency at magbigay ng nararapat na tulong sa mga apektadong lugar.
Napag-usapan din sa pagpupulong ang epekto ng Tropical Cyclone “Mirasol” at iba pang kamakailang kalamidad na nakaapekto sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Muling paalala ng mga awtoridad sa publiko:
Manatili sa loob ng mga tahanan, iwasan ang biyahe at mga aktibidad sa labas hanggang sa tuluyang bumuti ang lagay ng panahon.