-- Advertisements --

NCRPO3

All systems go na ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa pagbabalik eskwela ng mga estudyante sa Lunes, August 22,2022.

Ito’y matapos ang isinagawang inspeksyon ng mga opisyal ng NCRPO sa mga unibersidad at paaralan sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Kaniya-kaniyang pag-iikot ang ginawa ng mga District Directors ng Southern, Eastern, Northern at Quezon City Police Districts batay na rin sa naging direktiba ni NCRPO Chief P/BGen. Jonnel Estomo.

Pinangunahan naman ni NCRPO Deputy Regional Director for Operations, P/BGen. Jack Wanky at Manila Police District Director, P/BGen. Andre Dizon ang pag iikot sa University Belt at ilan pang mga paaralan sa lungsod.

Paalala naman ni Wanky sa mga magulang, guro at mag-aaral na ugaliing sundin ang minimum health protocols dahil nariyan pa rin ang banta ng COVID 19, dahil nasa pandemya pa rin ang bansa.

Siniguro naman ni Estomo ang presensiya ng mga pulis sa vicinity ng mga eskwelahan.

Palalakasin din ng PNP ang kanilang anti-criminality campaign para hindi na maka porma pa ang mga criminal elements sa kanilang masamang gawain.