20210208 193934

Naglabas na ng kautusan si Justice Sec. Menardo Guevarra para atasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga napaulat na manipulasyon sa suplay at presyuhan ng baboy at iba pang pangunahing bilihin.

Sa isang pahinang department order na pirmado ni Guevarra, inaatasan niya si NBI OIC Director Eric Distor na  magsagawa ng imbestigasyon at case build-up.

Nais malaman ng kalihim kung sino ang mga nagsasamantala at lumalabag sa Republic Act no 7581 o ang Price Act.

20210208 194245

Maging sa umiiral na Republic Act 3815 o ang revised penal code partikular na ang article 186 o ang monopolies and combinations in restraint of trade.

Mahigpit ang direktiba ni Geuvarra sa NBI na kapag mayroong sapat na ebidensiya ay agad nilang sampahan ng kaso ang mga sangkot sa pagtaas ng presyo ng karne ng baboy.

-- Advertisement --

Pinagsusumite rin ang NBI ng report sa loob ng 30 araw kaugnay ng update o itinatakbo ng imbestigasyon.