-- Advertisements --

Matagumpay na naaresto ng National Bureau of Investigation ang dalawang Malaysian nationals sa lungsod ng Cebu.

Bunsod ito sa ikinasang joint operation ng NBI-Central Visayas Regional Office katuwang ang Cybercrime Investigation and Coordination Center, Bureau of Immigration at iba pang ahensya.

Nag-ugat ang operasyon matapos humiling ng asiste ang Deputy Executive Director ng CICC kaugnay sa umano’y distribusyon at ilegal na transceivers ng mga dayuhan.

Kinilala ang dalawang arestado Malaysian national na sina Chong Hong Yee at Kim Chui Tan sa isang hotel.

Nasabat sa kanila ang mga ilegal na transceivers at sniffing devices katulad ng IMSI o International Mobile Subscriber Identity catcher.

Kinumpirma ng Regional Cybersecurity Head ng DICT-7 at Cybercrime Investigator ng CICC na ang mga laptops, Raspberry Pis, antennas, at ilan pa na ‘cellular’ at ‘data sniffers’.

Isasailalim ang mga ito sa in-depth forensic examination upang matibay ang mga ebidesnyang nakuha habang inihahanda naman ang mga kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.