-- Advertisements --

Nagpasya na si NBA veteran player Vince Carter na magretiro.

Kinumpirma ito ng kaniyang koponang Atlanta Hawks.

Umabot sa 22 seasons si Carter, 43, sa paglalaro kaya naman itinuring na siya ang pinakamatagal sa kasaysayan ng NBA.

Kalahating taon sa kaniyang career ay naglaro ito sa Toronto Raptors at New Jersey Nets bago lumipat sa iba’t-ibang koponan gaya ng Orlando Magic, Phoenix Suns, Dallas Mavericks, Memphis Grizzles, Sacramento Kings at pagtatapos ng career nito sa Atlanta Hawks.

Naging No. 5 pick sa 1998 NBA draft si Carter at nakuha tinanghal bilang Rookie of the Year at eight-time All-Star player.

Taong 2000 ng magwagi ito sa slamdunk contest sa NBA.

“Making my last shot helped the situation. I think if I didn’t make my last shot, it’d have been a little different. It’d have felt a little different. I’d have been itching to, at least get back and just play one minute and just make one shot — I don’t care what it would be: free throw, layup, I don’t care,” ani Carter sa statement. “As a player playing your last game — whether you know it or not — you always want to say, ‘well, at least I made the last shot of my career.’ And I can actually say that, so I’m happy.”