-- Advertisements --

Pinahiya ng Converge FibeXers ang Barangay Ginebra 106-96 sa kanilang paghaharap sa PBA Philippine Cup.

Bumida sa panalo ng Converge si Juan Gomez De Liano na nagtala ng 32 ponts,anim na rebounds at anim na assists.

Nagdagdag naman sa panalo ng Converge si Schonny Winston na mayroong 21 points, anim na rebounds at apat na assist habang mayroong 13 points ang nagawa ni Justin Arana at 12 points naman si Justine Baltazar.

Napababa ng Ginebra sa tatlo ang kalamangan Converge 94-91 sa pamamagitan ni Troy Rosario subalit nakakita ng pagkakataon ang Converge at nagawa ang 10-0 run.

Labis naman na natuwa si Converge coach Delta Pineda dahil hindi nila akalain na mananalo sila laban sa beterano at malakas na koponan.