-- Advertisements --

Hindi pa rin nawawala ang kasikatan ni dating NBA superstar Michael Jordan kahit na ito ay nagretiro na.

Ayon sa kaniyang dating agent na si David Falk, kahit retirado na ito ay marami pa ring mga nag-aalok sa dating Chicago Bulls star para lamang dumalo sa ilang kaganapan.

Ilan aniya sa inihalimbawa nito ay noong inalok siya ng $100 million para lamang maging bahagi sa dalawang oras na aktibidad subalit kaniya raw itong tinanggihan.

Isa rin dito ay may nag-alok sa NBA legend ng $7 million mula sa isang negosyanteng Pinoy para lamang maglaro ng golf subalit tinanggihan din niya ang mga ito.

Kabilang kasi ang basketball superstar sa pinakamayamang tao sa buong mundo ng Forbes.