-- Advertisements --

Pumanaw na ang NBA legend na si Elgin Baylor sa edad 86.

Ayon sa asawa nitong si Elaine na dahil na rin sa katandaan ay humina na ang ang kaniyang kalusugan hanggang ito ay nalagutan na ng hininga.

Baylor Elgin

Naging number draft pick noong 1958 at rookie of the year noong 1959 ang dating Minneapolis at Los Angeles Lakers forward.

Naglaro ito ng 14 na seasons sa Lakers at kinilala bilang Hall of Fame na tinaguriang isa sa mga pinakamagaling na manlalaro na hindi nanalo ng championship.

Hawak niya ang record na most individual points sa single game noong NBA Finals na mayroong 61 points sa laban ng Lakers kontra Boston Celtics noong 1982.

Niretiro na ng Lakers ang jersey 22 nito habang mayroon itong rebolto sa harap ng Staples Center.

Nagpaabot naman ng kalungkutan at pakikiramay ang ilang NBA stars gaya nina Metta World Peace, Shaquille O’ Neal, Magic Johnson at maraming iba pa.