-- Advertisements --

Hinihintay na mga koponan ng NBA ang ilalabas na panuntunan ng liga para sila ay makapagsimula ng mag-ensayo.

Inaasahan kasi na sa mga susunod na araw ay mailalabas na ni NBA commissioner Adam Silver ang ilang mga guidelines para sa paunti-unting pagbabalik ng mga laro.

Ilan sa mga dito ay ang “Two-week recall” of players kung saan isasailalim sa quarantine ang mga manlalaro kapag dumating na sila sa kanilang lokasyon.

Susundan ito ng isa hanggang dalawang linggong individual workouts sa kanilang practice facility at hanggang tatlong linggong training camp.

Pagkatapos nito ay paplantsahin na ng NBA at player’s union ang iba pang mga detalye.

Naniniwala ang mga koponan na papayag na ni NBA Commissioner Adam Silver ng pagbabalik ng laro sa katapusan ng Hulyo.