Nagbigay ng $100 Million na donasyon si NBA legend Michael Jordan para sa paglaban sa racial inequality.

Sinabi nito na sa pamamagitan ng kaniyang Jordan brand ay parang pamilya na rin ng mga black American.

Handang samahan ng nasabing kumpanya ang komunidad sa buong mundo para labanan ang nagaganap na racism.

Gagamitin ang nasabing donasyon para sa social justice at mas greater access to education.

Magugunitang nagpahayag ng pagkadismaya ang Chicago Bulls star sa pagkamatay ng black American na si George Floyd sa kamay ng kapulisan ng Minneapolis.