Kinoronahan bilang NBA Most Valuable Player (MVP) si Oklahoma City Thunder guard Shai Gilgeous-Alexander.
Inanunsyo ng NBA ang naturang desisyon kasunod ng unang conference finals appearance ni Shai kung saan dinumina ng kaniyang koponan ang laban kontra Minnesota Timberwolves.
Sa naging announcement ng NBA, binalikan dito ang magandang performance ni Shai sa kabuuan ng 2024-2025 season kung saan nagawa niyang i-poste ang MVP level performance, gamit ang 32.7 points per game – ang kaniyang pinaka-unang scoring title sa NBA.
Dahil sa impresibong scoring, sinamahan ni Shai si Michael Jordan bilang dalawang tanging player sa kasaysayan ng NBA na nakakapagpasok ng mahigit 30 points, gamit ang 50% shooting.
Maliban sa shooting performance, nagagawa rin ni Shai na umagaw ng limang rebounds, limang assists, .5 blocks, at isang assist sa bawat laro sa kabuuan ng season.
Naging emotional naman ang Thunder guard matapos i-anunsyo ang kaniyang unang MVP award.
Sa naging mensahe ng bagong MVP, pinasalamatan niya ang kaniyang asawa na aniya’y isa sa mga pangunahing dahilan kung paano niya naabot ang kasalukuyang lebel sa paglalaro ng professional basketball.
Sa pamamagitan ng kaniyang asawa aniya, natotonan niya ang tunay na halaga ng sakripisyo kapwa sa buhay at sa larangan ng sports.