-- Advertisements --

Ikinatuwa ng NBA na wala ng naitatalang nagpositibo sa coronavirus sa isinagawang pinakahuling testing isang araw bago ang pormal na pagsisimula ng season sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, naging epektibo ang ginawa nilang quarantine bubble ilang linggo bago ang pagsisimula ng mga tune-up games at ang pagbubukas muli ng season.

Tiniyak nito na mahigpit nilang binabantayan ang mga manlalaro para matiyak na hindi sila makalabas sa lugar.

Nagpahayag na rin si Silver na wala ng magiging aberya pa sa pagsisimula muli ng season.