Nakatakdang buksan bukas ang mga aktibidad ng NBA sa pamamagitan ng media day para sa iba’t ibang mga coach ng mga team.

Ang media interviews ay gagawin bago magsimula naman ang kanya-kanyang training camps ng mga players sa Miyerkules.

Sa Oktubre 19 magbubukas ang bagong season ng premiere league sa buong mundo.

Limang mga NBA teams ang ipaparada ang kanilang bagong mga coaches na kinabibilangan ng Boston, Portland, Orlando Magic, New Orleans at Washington Wizards.

Narito ang bagong mga mukha na NBA coaches na sina Wizards Wes Unseld Jr., Magic’s Jamahl Mosley, Celtics Ime Udoka, Blazers Chauncey Billups at Pelicans coach Willie Green.

-- Advertisement --