Na-upset ng Miami Heat ang NBA top team na Utah Jazz, 124-116.

Pinutol ng Miami ang 22 sunod-sunod na panalo Jazz.

-- Advertisement --

Nanguna si Jimmy Butler sa kanyang season high na 33 big points para itala ang ika-16 na panalo ng Heat.

Heat Jimmy Butler
Miami’s life saver, Jimmy Butler (photo from @MiamiHEAT)

Ang Jazz naman ay meron ng kabuuang 26 wins, at pito pa lamang ang talo ngayong season.

Ang reserve na si Goran Dragic ay nagpakitang gilas din sa season high na 26 points, habang sina Bam Adebayo ay may 19 points at 11 rebounds.

Nasayang naman ang diskarte ni Donovan Mitchell na nagpakawala ng 30 points pero inalat sa huling sandali ng laro.

Sa next game ng Jazz ay bibisita sa Orlando sa Linggo.

Ang Heat naman ay host sa Atlanta.