Mangingisdang nawawala from Iloilo
-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nasa maayos ng kalagayan ang isang mangingisda matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa San Lorenzo, Guimaras.

Kinilala ang nailigtas na mangingisda na si Rudy June Patriarca, 32, residente ng San Enrique,San Lorenzo, Guimaras.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lt. Junior Grade Christian Bryan Ignacio, station commander ng Philippine Coast Guard-Guimaras, sinabi nito na nahanap nila ang mga mangingisda sa baybayin na sakop ng ng Barangay M.Chavez, San Lorenzo, Guimaras.

Nasira ang sinasakyang bangka ni Patriarca na may kargang mga green shells o tahong kaya ito lumubog.

Nagpasalamat naman ito sa mga nagligtas sa kanyang buhay matapos ang 18 oras na pagpapalutang-lutang sa dagat.

-- Advertisement --