-- Advertisements --
Natagpuan na ang naiulat na nawawalang Cessna 152 na eroplano sa Luna Apayao.
Ayon sa 503rd Infantry Brigade ng Philippine Army na nakabase sa lugar, nakita rin sa lugar ang bangkay ng piloto at ang student pilot nito.
Kinilala ang pilioto na si Capt. Edzel John Lumbao Tabuzo habang ang student pilot ay kinilala bilang si Anshum Rajkumar Konde na isang Indian national.
Naipasakamay na ang bangkay ni Tabuzo sa kaniyang pamilya habang ang bangkay ni Konde ay ipinoproseso na at nakatakdang dalhin sa Indian embassy.
Magugunitang mula sa Laoag City Airport ay patungo ito sana sa Tuguegarao City dakong 12:16 p.m. nitong Martes.
Huling namonitor ito sa 32 nautical miles mula sa Alcala, Cagayan.