-- Advertisements --
Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang naturalization ni Bennie Boatwright.
Ang House Bill 6639 ay inaprubahan sa special session noong 20th Congress nitong Miyerkules, Hunyo 17.
Mula kasi noong Mayo 26 ng maipasa ito sa ikalawang pagbasa.
Kasama rin na naipasa ay ang House Bill 664 na nagbibigay ng Philippine Citizenship sa wrestler na si Matthew James Ramos.
Si Boatwright ay kabilang sa reinforcement player ng San Miguel Beermen na inaasahang magpapalakas sa Gilas Pilipinas at magrerepresenta ng bansa sa 2026 Asian Games.
Habang ang 25-anyos na wrestler ay humirit ng naturalization para opisyal siyang maging representative ng Pilipinas sa mga international competitions na sanctions ng Wrestling Association of the Philippines.
















