-- Advertisements --
Posibleng ang pagkakaroon ng national coronavirus lockdown sa United Kingdom ang kasagutan para tuluyang mapuksa ang pagdami ng kaso ng coronavirus.
Ito ang naging panukala ni Professor Peter Horby ang pangunahing scientist sa nasabing bansa kung saan sinag-ayunan lamang nito ang naging pahayag ng ilang mga eksperto sa bansa.
Nagtala kasi ang UK ng halos 13,000 na kaso ng coronavirus sa loob lamang ng isang araw.
Nakatakda naman ianunsiyo ni British Prime Minister Boris Johnson ang panibagong restrictions sa mga susunod na araw.