-- Advertisements --
image 168

Target ng Commission on Elections (Comelec) na ipawalang bisa ng national voter’s list para ganap na mabura ang ghost voters at multiple registrants.

Kaugnay nito, nananawagan si Comelec chairman George Erwin Garcia sa mga mambabatas na mapawalang bisa ang buong listahan ng mga botante kabilang ang mga nananatili sa ibang bansa kasabay ng pagbibigay diin ng pangangailangang maging back to zero upang ma-improve pa ang kasalukuyang sistema.

Ayon pa sa Comelec chairman ang pinakalumang record ng biometrics ay mula pa noong 2003. Dalawang dekada na aniya ang lsitahan at inamin pa ni Garcia na mahirap na para maberipika ang pagkakakilanlan ng mga botante.

Kaayat kapag na-pawalang bisa aniya ang lsitahan ng mga botante at nagsagawa ng general registration ng mga botante sa paghahanda sa 2028 elections, maa-update din ang database ng Comelec.

Sa datos noong Hulyo 10, nasa 415, 433 multiple registrants ang tinnggal na ng Comelec kung saan karamihan ay sa National Capital Region.