-- Advertisements --

Naghahanda na rin ang gobyerno sa hagupit na dulot ng bagyong Opong kung saan higit ang babala na ibinibigay sa CALABARZON at Metro Manila, dahil kahit katamtamang ulan ay posibleng magdulot ng pagbaha at landslide sa mga lugar na matagal nang inuulan.

Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro, hindi lang malalakas na hangin ang mararanasan kundi pati pag-ulan.

Inaasahang tatamaan ng bagyo ang mga sumusunod ang Northern Samar, Samar at Sorsogon.

Samantala, inatasan naman ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mas pinaigting na paghahanda para sa inaasahang paglakas ng Bagyong Opong.

Sa isinagawang pagpupulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ibinahagi ng mga kinatawan ng iba’t ibang kagawaran ang kanilang mga inisyatibo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga nasalantang lugar.

Kabilang sa mga iniulat ay ang patuloy na relief operationsroad clearing activities, at mga hakbang para maayos ang mga nasirang tahanan.

Mananatiling nakaalerto ang mga ahensya ng pamahalaan habang binabantayan ang posibleng paglala ng lagay ng panahon.