Kontento si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ginawang paghahanda ng ibat ibang concerned government agencies sa Supertyphoon Nando partikular ang prepositioning ng mga supply, partikular sa mga isla tulad ng Batanes.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro.
Gayunpaman, sinabi ni Teodoro isa sa mga pinakamalaking hamon ngayon ay ang pagbabalik ng kuryente sa mga lugar sa Region 1 na hanggang ngayon ay wala pa ring suplay ng kuryente.
Dahil sa masungit pa rin ang panahon at malalakas ang alon.
Siniguro naman ni Teodoro na sapat pa rin ang Quick Response Fund (QRF) at ang emergency funds ng mga ahensya para tugunan ang kasalukuyang sitwasyon.
Sa ngayon wala pang naiulat na kakulangan sa supply ng relief goods.
Ipinagmamalaki ng pamahalaan na maayos ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pagtugon sa kalamidad.
Batay sa datos ng NDRRMC, mahigit 7,000 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers sa Hilagang Luzon matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Nando.
Habang nagpapatuloy pa rina ng isinasagawang assessment hinggil sa kabuuang pinsala.
Sa sektor ng agrikultura, tinatayang nasa ₱15 milyon pa lamang ang naitalang pinsala.
Inaasahan pang tataas ito habang nagpapatuloy ang assessment.
Nagsasagawa na rin ng road clearing operations, lalo na sa mga lugar na posibleng muling daanan ni Opong o inuulan pa rin mula sa huling bagyo.
















