-- Advertisements --

Tiniyak ni House Speaker “Bojie” Dy III na naka pokus ngayon ang kamara na maipasa on time ang panukalang 2026 national budget.

Tiniyak ni Speaker Dy na sa ilalim ng kanyang pamumuno, sisiguraduhin ng Kamara na ang national spending plan para sa susunod na taon ay magiging malinis at transparent.

Kumpiyansa si Dy na on time maipapasa ang panukalang budget.

Ipinauubaya na rin ng Kamara sa DPWH na mag rekumenda ng flood control projects na isasama sa 2026 budget.

Sinabi ni Dy tinanggal na ang malaking pondo para sa mga flood control projects.

Aniya, hindi nito hahayaan na maging kontrobersiyal ang 2026 budget.