Naihatid na sa huling hantungan ang national artist na si Nora Aunor sa Libingan ng mga Bayani.
Ganap na alas-12:00 ng tanghali isinagawa ang state funeral para sa superstar.
Siya ay pumanaw noong Abril 16, 2025, sa edad na 71.
Bilang isang Pambansang Alagad ng Sining, binigyan siya ng state funeral na ginanap sa Metropolitan Theater sa Maynila bago ang kanyang huling hantungan.
Maraming tagahanga ang dumalo sa necrological services upang magbigay-pugay sa kanyang hindi matatawarang kontribusyon sa sining at pelikula.
Sina Lotlot at Ian de Leon, ay nagbigay ng emosyonal na tribute sa kanilang ina, na inalala bilang isang liwanag na hindi kailanman mawawala.
Ang kaniyang mga pelikula tulad ng “Himala” at “Bona” ay muling ipinalabas bilang bahagi ng paggunita sa kanyang legacy.
Ang pagpanaw niya ay nagdulot ng matinding lungkot sa industriya ng pelikula, ngunit ang kanyang sining ay mananatiling buhay sa puso ng kanyang mga tagahanga.