-- Advertisements --

Kinumpirma ng Malacañang na pararangalan nila ang apat na Filipina icon ng Presidential Medal of Merit na gaganapin sa Mayo 4, 2025.

Kabilang sa mga pararangalan ang yumaong National Artist at Superstar Nora Aunor, tinaguriang Asia’s Queen of Songs; Pilita Corrales, haligi ng pelikulang Pilipino; Gloria Romero, at yumaong kilalang chef at proponent ng pagkaing Pilipino sa buong mundo; Margarita Fores.

Ang Medal of Merit ay ibinibigay sa mga indibidwal na nagpakita ng natatanging ambag sa kanilang larangan at nagbibigay karangalan sa bansa.