Gaganap si Judy Ann Santos bilang yumaong Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor sa nalalapit na biographical film na “Bernal,” na isinulat ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee.
Ayon sa SINEGANG.ph na inilabas noong Sabado, Hulyo 4, bibigyang-buhay naman ni Jericho Rosales ang karakter ng National Artist for Cinema na si Ishmael Bernal, isa sa mga pinakakilalang direktor sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.
Makakasama rin sa pelikula sina Iza Calzado, Atom Araullo, Rita Gomez, at John Lapus sa mga hindi pa inaanunsiyong papel.
Ibinahagi ni Ricky Lee ang kanyang pananabik sa pagsasakatuparan ng proyekto, na matagal na niyang pinaplano.
“Very excited ako na finally itong matagal ko nang binalak na material o script ay matutuloy na,” ani Lee.
Matatandaang naging malapit na katuwang ni Lee si Bernal sa ilang mahahalagang pelikulang Pilipino, kabilang ang “Himala,” “Manila by Night,” at “Relasyon.”
Inaasahang bibigyang-pugay ng “Bernal” ang buhay, obra, at ambag ng kinikilalang National Artist sa industriya ng pelikulang Pilipino.
















