-- Advertisements --

Nilinaw ng aktor na si Ian de Leon na wala siyang kaugnayan sa anumang grupo o organisasyong ginagamit ang pangalan ng kanyang yumaong ina, ang Superstar na si Nora Aunor, upang mangalap ng donasyon.

Sa isang pahayag na ipinost nito sa kanyang social media page noong Martes, Hulyo 15, nagpasalamat si Ian sa patuloy na suporta at pagmamahal ng publiko para sa kanyang ina, ngunit mariin niyang itinanggi ang anumang ugnayan sa mga grupong nagpapanggap na konektado sa kanila.

‘I am deeply grateful for the support of my family, friends, fans, and the public. I sincerely appreciate your continued love and remembrance of my mother, the late Ms. Nora Aunor,’ ani Ian.

Dagdag pa niya, bagama’t hindi niya pinangalanan ang mga partikular na post na kanyang tinutukoy, malinaw niyang sinabi na ”I do not acknowledge, support, or authorize any type of solicitation or acceptance of donations—whether monetary or in kind—from any group related to her name.”

Paglilinaw pa ng aktor na ginawa niya ang pahayag upang mapanatili ang dignidad at legacy ng kanyang ina, na itinuturing na isa sa pinakadakilang artista sa kasaysayan ng Philippine cinema.