Nanawagan si Lotlot de Leon sa publiko at media na igalang ang kanyang privacy habang nagluluksa pa ang kanilang pamilya sa pagpanaw ng ina niyang si Nora Aunor noong Abril 16.
Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Mark Julius Estur, ipinaabot ni Lotlot na si Estur ang hahawak ng lahat ng isyung may kaugnayan sa mga maling impormasyon at mapanirang pahayag na ipinapakalat laban sa kanya.
Ayon sa pahayag, hindi sila sasagot sa mga personal na pag-atake o makikisali sa mga online debate, at idadaan ang lahat ng usapin sa tamang legal na paraan.
Nangako rin si Lotlot na ipaglalaban ang dignidad ng kanyang ina at poprotektahan ang karapatan ng kanyang pamilya laban sa cyberbullying, paninirang-puri, at iba pang uri ng pang-aabuso.
Hiniling din ng kampo ni Lotlot ang kooperasyon ng publiko at media sa paggalang sa kanyang pribadong pamumuhay sa panahong ito ng pagdadalamhati.
Maalalang pumanaw ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor sa edad na 71 dahil sa acute respiratory failure. Inilibing siya sa mga Libingan ng mga Bayani noong Abnril 22, 2025.