-- Advertisements --

Hindi nagbago ang bilis ng bagyong Salome habang tinatahak ang extreme northern Luzon.

Base sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakita ang sentro ng bagyo sa may 90 kilometers ng East Northeast ng Itbayat, Batanes.

May taglay na lakas ng hangin ito ng 55 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 70 kph.

Nakataas pa rin sa typhoon signal number 1 ang mga lugar ng Batanes; Calayan Island., Dalupiri Island sa Babuyang Island; Bangui, Pagudpud, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City sa Ilocos Norte.

Sa loob ng 12 oras ay maaring mag-landfall ang bagyo sa Batanes at dadaan din sa Babuyan Island bukas ng umaga, Oktubre 23.

Ibinabala pa rin ng PAGASA na makakaranas ng pag-ulan sa mga lugar na dadaanan ng bagyo.