-- Advertisements --

Nakatakdang gawaran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Presidential Medal of Merit sina Nora Aunor, Pilita Corrales, Margarita Fores, at Gloria Romero.

Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro ang parangal ay para sa kanilang mga hindi matatawarang kontribusyon sa Philippine entertainment industry at gastronomy.

Sinabi ni Castro nakatakda ang gagawing parangal sa Rizal Ceremonial Hall ng Malacañang Palace sa darating na May 4, 2025.

Ang nasabing okasyon ay dadaluhan ng mga pamilya ng mga nasabing artists.

Kung maalala Si Nora Aunor ay pumanaw noong April 16, 2025; habang si Pilita Corales naman ay noong April 12, si Margarita Fores noong February 11; at Gloria Romero noong January 25.