Binanatan ng NASA ang China dahil sa kabiguan nito na matugunan ang mga pamantayang may pananagutan matapos mawalan sila ng kontol sa kanilang ipinalipad na rocket kung saan muli itong bumalik sa daigdig.
Nahulog sa Indian Ocean kahapon ng umaga oras sa Pilipinas ang mga debris ng Chinese rocket.
Ayon kay NASA Administrator Sen Bill Nelson, kailangang siguraduhin ng spacefaring nations na hindi makapagdulot ng peligro sa tao at propeyidad sa daigdig ang kanilang mga space objects.
Kailangan din na i-maximize ng mga ito ang transparency kaugnay sa kanilang operasyon.
Aniya, nabigo ang China na maipatupad ang kanilang responsible standards kaugnay sa kanilang space debris.
Napag-alaman na halos nasunog na ang buong parte ng Long March 5b rocket nang muli itong pumasok sa daigdig ayon sa China Manned Space Engineering Office.
Ang nasabing rocket ay may haba na 108 feet tall o katumbas ng 10 palapag ng gusali at bigat na 40,000 pounds katumbas naman ng sampung 18-wheeler truck.