-- Advertisements --

Mahigit 400 na locally stranded individuals (LSIs) ang nakatengga ngayon sa labas ng Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Sinabi ni Presidential Management Staff (PMS) Assistant Secretary Joseph Encabo na siya ring lead convenor ng Hatid Tulong program, naghahanap sila ngayon ng temporary shelters para sa mga nasabing 430 LSI.

Ayon kay Asec. Encabo, nakikipag-ugnayan na ang Hatid Tulong program sa mga government agencies at local government units (LGUs) para mahanapan ng matutuluyan ang mga LSIs bago sila mapauwi sa kanilang mga lalawigan.

Umaapela naman ng pang-unawa at pasensya si Asec. Encabo sa mga LSIs dahil ilang LGUs ay hindi pa handang muling tatanggap ng mga kababayan dahil hindi pa tapos ang quarantine ng mga naunang batch na dumating.

Kabilang umano sa mga lugar na nagsabing handa ng tatanggap ng LSIs ang Negros Oriental, Dumaguete City, Caraga region, Cotabato province, ilang lalawigan sa Region 12, Jolo, Tawi-Tawi, Pawalan, Bicol region (maliban sa Masbate) at Romblon.

“Within this week po malalaman din natin kung ano ‘yung mga sagot nila, at talagang bibigyan po natin ng priority itong mga taong nasa labas ng Libingan ng mga Bayani,” ani Asec. Encabo.