-- Advertisements --
Natanggap na ng Israel ang dalawang bangkay na binihag ng Hamas sa Gaza.
Ang mga ito ay ipinasakamay sa Red Cross at dadalhin sa national forensic laboratory para sa kanilang pagkakakilanlan.
Sakaling makumpirma ang pagkakakilanlan ay mayroon na lamang 11 na mga bangkay ang natitira sa Gaza.
Ayon sa Israel Prime Minister’s Office na hindi sila titigil hanggang lahat ng mga bihag ay maibalik sa Israel.
Ang nasabing paglilipat ng bangkay ay dalawang araw matapos ang ginagawang punishing strikes ng Israel sa Gaza bilang kasagutan sa ginawang pagpatay ng Hamas sa dalawang sundalo ng Israel.
















