-- Advertisements --

Umaabot na sa 3,753 na overseas Filipino workers (OFWs) mula Qatar ang napauwi na sa Pilipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Qatar Alan Timbayan, nasa 12 flights na mula Doha papuntang Manila ang naisagawa ng embahada para ma-repatriate ang ating mga kababayang naapektuhan ng CPVID-19 pandemic.

Ayon kay Amb. Timbayan, napansin nilang mas marami sa ating mga kababayan sa Qatar ay piniling manatili doon dahil nagbukas na ang mga trabaho.

Nilinaw din ni Amb. Timbayan na karamihan sa mga napauwi ay hindi mga nawalan ng trabaho kundi stranded dahil nagkaroon ng flight restrictions.

Sa ngayon, nasa 241,000 OFWs ang nasa Qatar kung saan karamihan ay nagtatrabaho bilang nurse, engineer, teachers, accountant at mga skilled workers.